My great. Medyo nagi-guilty akong gumawa ng blog. Dami na kasing nangyari, at ‘di ko sila maalalang lahat. Great. Unfair.
So. Kakakuha ko lang ng longtest ko sa Org Chem. Kasaysayan ang eksamin. Yun ang kauna-unahang perfect exam ko sa kolehiyo, 104/100. Saya. Grabe. Whoho. Yeba.
Tapos, psych long test kanina, ‘la lang. Parang nag auto-delete lahat ng pinagaralan ko kagabi. Saya. Matapos ang isang bangang kape, isang bote ng coke, medyo malaking seven-up at e-aji dips, wala. Sabaw sa Sassylinggo.
Pumunta kami sa Nueva Ecija–> ang lungsod-agham ng Munoz. Masaya, talaga. Kaso lang, mas naging masaya sana siya kung hindi nag-init masyado ang iba. Nagkaroon tuloy ng grabe at nagkukumulong tensyon. At, well, sana wala nalang ng bong. Mas naging masaya sana siya, kung inisip nang lahat na magiging masaya yung buong timpalak, at hindi make-or-break para sa A. Sayang.
Wala lang, gusto ko lang sagutin yung mga argumento ni Sassy patungkol sa mga nasabi ng mga nasa palengke ng Munoz. Marahil, tama si Sassy, bakt nga naman dapat husgahan ang isang tao sa kinis at sutla ng kanyang balat? Bakit kailangang mabuo ang isang konteksto dahil sa pangalang "ateneo de manila"? bakit kailangnag ikahon ang katauhan ni sassy guerrero dahil sa kanyang balat? Bakit ko narinig na may nagsabing tinderang "mga anak yan ng mga congressman!", samantalang, hindi naman lahat (zum Beispiel, AKO)?
Masakit, ngunit mali ba sila?
Hindi.
Dahil sa katotohanang sa pagkakataong iyon, sukatan ng liwak ng mayaman at mahirap ang kulay ng balat. Maaraing hindi palagi, ngunit may panahon ba ang mga tindera at magsasaka ng Munoz na bumili ng lotion para sa kanilang balat? May pera nga ba silang pambili? Kahit siguro mayroon at ilalaan parin nila iyon sa pagkain, o binhi o paninda.
Hindi ko sinasabi, at hinding hinding mangyayari magiging kasalanan ni sassy o ninuman ang kanyang katayuang pang-ekonomiko. Hindi kasalanan na maipanganak ng may pilak na hapag. Hindi. Ngunit, kasalanan din ba nilang maipanganak sa kahirapan? Na pag-isahin ang karangyaan sa mga mestisahin tumatalilis sa palengke at humihigni ng pera para sa timpalak? Kahit ako na sa kahirapan nabibuhay ngayon ay magiging marangya sa harap nila; wala man akong i-pod, sila, maaaring ni ‘di nila alam kung ano ang i-pod. Hindi ko sila sinisisi sa kanilang kaisipan, mahirap manisisi at mambato ng putik. Siguro, sa naranasan ko, ni sassy at ng lahat, a kinakailangan lamang ng pag-intindi at paglutas sa mga suliraning nagbubunsod para maikahon ang konteksto ng bawat isa. Hindi ito isyu ng kung bakit sila mahirap ang bakit ang mga taga-ateneo ay karamiha’y mararangya. Ang suliranin dito ay bakit ikinakahon ng bawat isa ang pagkato sa balat, gamit, tangkad o pamantasang pinanggagalingan.
Alam ko ito dahil isa rin ako sa mga taga-munoz.